Friday, December 2, 2011

Salagubang (yan tawag sa batangas e)



Sheeeeetzzzuuu! What the effffff is this? Huhuhu. May phobia ako jan! Matutuloy na talga pagiging masaker ko kapag nagkita o binigyan mo ko ng ganyan. Woooo. Picture pa lang yan pero yung puso nagtatalon at nagwawala na sa takot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot jan. Last time, bata pa ako. Yung nanay ko niloko ako na merong ganyan sa buhok ko. Mga "grade school moments" pa. Grabe, umiyak ako ng wagas at hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Umiiyak talaga ako, sobrang iyak kaya huwag na huwag niyong susubukan ipakita lalo na ipahawak saken yan. You'll be out of this world! Itaga mo yan sa bato.Hahaha. Scaryyyy.. huhuhuhu.
Oh yes my Dear Paris. Just wait a lil moment and lil and lil moment. I'll be with you soon. Hahaha


Thursday, December 1, 2011

I missed you DADE :'(

Ang hirap pa din pala. Sa lahat ng nawala sa pamilya namen parang hanggan ngayon hindi ko pa matanggap ang pagkawala ng Dade. O dahil kaya kita ko kung paano siya nawala. Nakita ko ng wala man lang ako nagawa kundi paulit ulit kong sinasabe na

"Dade gising na! Dade! Dade!"

At ayan din ang paulit ulit kong naririnig sa paligid ko. Hindi ko kinaya, lumayo ako at umupo sa isang tabi. Yung tibok ng puso ko sobrang lakas. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

October 31, nagpunta ako ng Sm Lipa at para bumili na din ng mga flowers na gagamitin pagpunta namin ng cemetery. Paguwe ko bitbit ko yung flowers, pinalapag dun sa kubo para makita.

" huwag mo yan dadalhin dito, hindi pa ako patay" yan ang huling biro ng dade saken.

Ilang oras, maaga ako natulog. Bigla akong may narinig na malakas na sigaw ng mame. Bigla akong nagising at pinuntahan ang mame. Pumunta na din yung iba kong mga tito at tita para tingnan kung anong nangyare.Nakita ko na lang ang dade at ang mame na nakahandusay sa malapit sa lababo. Binuhat ang dade sa may kama. Ginigising ko siya, namin.

"Dade! Dade!"
Tinatawag ko siya ng paulit ulit. Naisip ko na agad na wala na siya. Pero hindi ko tinatanggap yun. May pag-asa pa. Pangatlong beses na niya tong atake sa puso. Yung mga nauna, ganito din pero mumulat pa siya. Ilang minuto pa sabe nung tito ko dalhin na agad siya sa hospital. Naiwan ako, naiwan kame. yung iba ko lang tito at tita ang kasama pati ang mame tsaka ang inay.

Nagdasal ako, na sabe ko Lord ibabalik mo siya samen. Ibabalik mo siya ah. Mga ilang oras pa ang nakalipas. Yung ibang mga kapatid ng Dade nagtipon tipon sa bahay ng Lola ko. Alam ko na nung time na yun na wala na. Hindi ko matanggap. Hindi. Ayaw tanggapin ng utak ko na wala na siya.

Bandang 6am, dumating na sila. Dumating na ang dade pero nakahimlay na siya sa kabaong. Hindi ko napigilang umiyak. Napakabilis ng mga pangyayari.

Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari hindi ko maiwasang malungkot. Hindi pa din tanggapin ng utak at puso ko na wala na siya. Hindi ko alam kugn bakit. Miss ko na ang Dade. Alam ko masaya na siya at alam kong binabantayan niya kameng lahat.

Kapag nawala na siya

Ano nga bang pakiramdam yung iniwan ka o iniwan mo yung taong alam mong mahal mo pa pero hindi na talaga pwede. Yun yung pakiramdam na hindi mo alam kung ano. Na para bang ikaw na yung pinakamalungkot na tao sa buong mundo. Pakiramdam mo nawala na ang lahat ng sayo. Ang hirap ayusin ng ganung pakiramdam. Kahit pa sabihing merong mga bagay na nagagwang mapasaya ka pero sa huli iiyak at magighing malungkot ka na naman. Habang iniisip siya, umiiyak na sana kayo pa, na sana kanya ka pa at pag aari mo pa siya. Eto yung pakiramdam na ayaw mong maramdaman kapag nawala na siya.