Sunday, September 25, 2011

Good or Bad sunday??? hmmm

Ano na naman kayang bago at nabuksan ko tong blogspot ko. Madami na naman kase ako naiisip peo tulad nga ng nasabi ko, nakakalimutan ko siya agad kapag kaharap ko na tong computer.

Ayun, sumimba ako kanina. Usually 8am ako sumisimba, kaso tinamad ako tsaka sobrang aga pa kaya 9 na ako sumimba. 7am ako nagising, nanuod muna ako ng MYX at pinanuod ko din yung final ng Hell's Kitchen, buti naman bago mag 8:30 natapos ko siya, matagal ko na kasi yun pinapanuod kaso di ko palagi maabutan yung episode ng Finals. So ayun nga, nagbuhay pa ako ng net para magopen ng tumblr, yung Fb ko hindi ko na naman ma-open dito, hindi ko alam kung bakit. Ang ginawa ko na lang ay pinatugtog ko yung "how to love" ni Christina Grimmie at Tyler Ward, sobrang loakas lang ng patunog ko, dumadagundong yung bahay. Habang naliligo ako, nappakanta ako. Hahaha.Umalis ako mga 9 na, akala ko late na ako pero hindi pa nagstart nung dumating ako.

Umupo ako sa bandang unahan kase mas gusto ko nakikita yung pari. Bago mag simula merong umupo na maganak sa tabi ko, ang sikip sikip lang. Sobrang dikit nung batang katabi ko tapos parang nagaaway pa sila nung katabi niya. Nakakainis lang pero nagtimpi ako kase nasa loob ako ng simbahan.

"All Rise"
Ayan magsisimula na, buti naman kase meron pa din akong pupuntahan. Lumakad na yung mga readers at kung sino sino pang sakristan at pati na din yung pari na nasa likudan. "oh my God, patawadin niyo ako" yan agad ang nasabi ko nung nakita ko yung Pari. Siya kasi yung pari na parang bombay o ano mang lahi yun. English yung mas tapos yung accent niya hindi talaga maintindihan. As in wala talaga, jusko patawarin niyo ako. Paulit ulit ko siyang nasasabi. So, ayun naisip ko na pagktapos ng homily lalabas na ako, kase naisip ko lalo lang ako magkakasala kapag tinapos ko pa yung mass, pero parang mas malaking kasalanan yun. Naiinis pa din ako dun sa katabi kong bata, pero idinaan ko na lang sa dasal. Nagdasala na lang ako ng mataimtim nung communion na, nagsorry ako, nagthank you at nagwish na din.

Pagkatapos ng mass pumunta ako sa sport center, meron kasi dun bilihan ng mga murang shoes, dun ako bumibili ng espadrill shoes ko. Bago ako makarating dun, nakita ko yung shoe sale sa October 3, ayan natuwa ako. Mahjilig kase ako sa shoes, obssession ko yun e. Kaya ayun, nung andun na ako, nakita ko pa din yung gusto kong shoes dun pero hindi ko binili. Next time na lang, kabibnili ko pa al;ng kase e. Tipid tipdi muna, pumunta na ako sa Mcdo. Bago ako makatawid, merong nakamotor na muntik na makabangga sa akin, at narinig ko yung sabe ni ate na " hindi kase marurunong tumawid yang mga yan e", tapos nung mejo malayo na siya sabe ko " gagu!" e nakita nung anaka niya, ayun gumanti, sumigaw ng gago. Ako naman inulit ulit ko yung gago ko, mukang naiisin na si ate habang papalayo na yung motor niya. ANsama ko, naisip ko war freak pala ako. Binaliwala ko na lang yun, kaksimba ko lang e.

Kumain ako sa mCdo at pumunta na sa parlor para magpatreatment. Akala ko mga 250 lang ganun, tapos sabe saken 600 daw. E napaoo na ako, e di shinampoo na yung buhok ko. Nung nakaupo na ko para lagyan ng gamot nakita ko yung hotoil blah blah na 100 lang, sabe ko ate hotoil na lang muna. Pero nakaready an yung gamot, halah sayang pero wala silang nagawa kaya hotoil na alng. Para pampalubag loob, nagpafootspa na din ako. so ayun, lumambot yung paa ko pati yung bihok ko, umuwi na ako. Eto all alone na naman.

ANg haba na pala nito. Wala namang babasa kaya okey lang. Yihee may nasulat ako. Hahahah

Friday, September 16, 2011

Nakalimutan ko

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong masabi ngayon. Ewan ko ba biglang bumigat yung pakiramdam ko kanina. Naging emo tuloy ako.

Madami aking naiisip kanina nung nasa school pa lang ako pero ngayon ayan hindi ko na siya maisip. Ganun talaga ako, palagi ko an alng nalilimutan. Nakakainis lang talaga. Teka isipin ko muna, gusto kong may masulat na worth it basahin.

Wednesday, September 14, 2011

IDEAL BOYFIEEE!

hey blogspot! Masyadong type kita ngayon kaya eto magsusulat ulit ako pero feeling ko malalate ako sa school. Di bale na, late din yung prof namen. So ayun, wala pa akong title sa mga oraas na ito pero meron na akong idea. "IDEAL BOYFRIEND" ha? ako? ideal boyfriend? Naisip ko yun, ibang klase din. Deh joke lang eto na.

OO meron akong ideal boyfiend, papangalanan ko siya. King ang nasabing bikitima. Hmm. Lubos lubusin ko na ang detalye. Classmate ko siya ngayong college and yes meron siyang girlfriend at ako yun. Hahaha. Hindi assuming lang. Meron talaga siyang GF at barkada kaming tatlo. Uy hindi ako traydor ah, Ideal boyfriend lang without feelings. Kumbaga gusto ko kung magkakaboyfriend ako ganito. Physical, emotional or rational. Anu daw, karhyme lang yun.Hahaha

Eto sige sino ba siya? Hindi siya gwapo pero maappeal, nadadala siya ng pananamit niya and guys dun ako walang masabi sakanya. Lumuhod ang pagkatao ko sa galing niya magdala ng damit. Yung tipong simple pero ambango tingnan at ang mahal tingnan. Basta ganyan, napakalinis sa katawan, talo pa ako. Siya din nga ata inspirasyon ko kung bakit nagiging mas malinis ako sa katawan ko. Nakakahiya kase sakanya.Hahaha. Ano pa ba, ahmmm. May sense siya kausap yung tipong madami kang matutunan. Hindi nakaksawang kausap.

Pagdating naman sa relationship anggaling lang niya maghandle. Yung PDA sila pero in a good way. Yung hindi kadiri tingnan. Alam niya kung paano gumalaw sa harap ng madaming tao at kapag may kasama silang dalawa e hindi ka ma-op. Tsaka siguro madaming mga bagay ang napapgkasunduan namin lalo na sa sapatos. Iba siya talaga

Isa pa e kung paano siya maghandle ng pera. Hanga lang ako dito. Madame siyang pinagkakagastusan kumbaga galit sa pera pero iba e yung talagang worth it. Sakanya ko siguro nakuha kung paano magbudget.

Ayan wala na ako masabe tungkol sakanya, nabura kase yung kanina kong tinataype ayan hindi ko na lam tuloy. Saka na ulit ha.

I WANT CHANGE!

Madami na namang sumasagi sa isipan ko, hindi ko na naman alam kung bakit. Buti na lang kaharap ko tong laptop at pede kong maisulat dito. Wala naman makakakita nito e kundi ako lang at yung follower ko na isa e hindi naman siya madalas magopen.

So, ngayon ewan. Super conscious ako sa sarili ko. Gusto ko ipaoverwhole yung katawan ko. Hahaha. Parang sasakyan lang ah. Ewan ko late na ata ako nagdevelop sa ganitong aspect. E wala naman talaga ako pakielam sa sarili ko dati. Hindi nga ako marunong magpulbos o kung ano man e.Kahit humarap sa salamin hindi ko na nagagawa.

At eto gusto ko lahat itry, madami kase akong pimples and acne. Pano kaya to maalis, kainis. Naiinggit ako sa ibang ang kikinis ng muka. Eto panira sa porma e, ok na ang lahat tapos pagdating sa muka bomborombombom! Ampanget! Hate this and now I'll do everything mawala lang to. Sa katunayan food conscious na din ako kase madaming bawal para maiwasana ang pimples tapos healthy lifestyle na din. Iwas iwas din sa puyat kahit madaming gawain. Kailangan kong alagaan ang sarili ko kaya din siguro wala akong lovelife pero merona akong mahal. Echos lang yan.Hahaha.

Ayan nakapagpahayag na naman ako dito at meron pa akong balak isulat mamaya o sa school na lang kaso wala akong dalang laptop e kapag cellphone nahoihirapana kong magexpress pero pwede na din. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Kahit walang nakakabasa basta parang may mapagsabihan. Meron din pala akong tumblr kaso mejo bulgar dun at tsaka parang mga realizations in everything ang kaya ko lang maisulat. o ayan napahaba na kamo. Sige na my dear blogspot.

lezzzz drive crazy!

Habang nagkakape na naman ako nasimulana ang magandang umaga ko. Habang nagkakape ako kanina bigla akong tinanong ng ninong ko kung meron daw akong gagawin sa sembreak. Nagalanganin ako ng sagot kase baka kung anong hindi ko gusto ang ipagawa nito saken pero ang nasabe ko na lang ay
"wala naman ho, bakit ho?"
"ay siya magaral ka ng magdrive?
e di isip isip ako kung paano ako magdrive syempre sa batangas kase andun yung sasakyan namin kaso laging wala yung tatay ko dala dal niya yung sasakyan.
"ay palagi hong wala ang tatay, yan na lang sportivo ang gagamitin ko kayo magturo" yan ang nasabi ko.
" hindi sa ano ka magaral, magdriving lesson ka" yan ang sabi ng ninong ako mejo natutuwa na ako at nagtatalon yung puso ko pero paano wala akong money
"pano yun wala ho ako pera"
"ako magbabayad, kelangan ng iyong ninang e gawa ng akoy sasakay na ulit ng barko"

at ayan tuwang tuwa ang puso ko. Yehey sa wakas! yun lamang para sa umagang ito.

Anong nangyari saken?

Madaming bagay ang hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung ano, kung paano. Ang alam ko lang ay nagbago ako, nagbago na hindi ko na kayang maibalik sa dati. Natatakot ako sa ganitong sistema ng buhay ko. Madami ng tao ang nasasaktan ko, nasasaktan na hindi ko alam dahil sa ngayon wala na akong pakialam sa nararamdaman ng iba.

Hindi ako ganito, hindi ganito ang taong nakilala nila. Ibang iba na ako ngayon. Hindi ko mainrindihan ang sarili ko pero gustong gusto kong ibalik yung dati. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung paano ako nagkaganito. Masyadong mailap ako sa mundo, hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong gulo na ako, maraming bagay ang nawala at nagiba sa akin.

Isa lang ang naiisip kong dahilan, epekto siguro to ng sobrang sakit na naramdaman ko dati. Dumating kasi sa point na pinilit ko na itatak sa isipan ko na hindi na ako dapat masaktan o mahirapan man. At eto, sa ibang tao naman ako nakakasakit. At ngayon gusto kong ibalik yung dati pero pano?
Simula kanina habang umiinom ako ng kape madaming bagay ang sumagi sa isipan ko. Kung ano ano, merong masama merong maganda. Hindi ko namalayan na naubis na yung kape ko. Naisip ko din na gusto ko sanang isulat dito lahat ng mga bagay na naiisip ko, dito kase tahimik at maaring ako lang ang makabasa pero sa ganun nailbas ko kung ano man tong tinatago ko o kung ano man ang nasa isip ko. Sana magtuloy tuloy to, para meron akong mapaglabasan ng mga nasa loob ko.