Friday, December 2, 2011

Salagubang (yan tawag sa batangas e)



Sheeeeetzzzuuu! What the effffff is this? Huhuhu. May phobia ako jan! Matutuloy na talga pagiging masaker ko kapag nagkita o binigyan mo ko ng ganyan. Woooo. Picture pa lang yan pero yung puso nagtatalon at nagwawala na sa takot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot jan. Last time, bata pa ako. Yung nanay ko niloko ako na merong ganyan sa buhok ko. Mga "grade school moments" pa. Grabe, umiyak ako ng wagas at hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Umiiyak talaga ako, sobrang iyak kaya huwag na huwag niyong susubukan ipakita lalo na ipahawak saken yan. You'll be out of this world! Itaga mo yan sa bato.Hahaha. Scaryyyy.. huhuhuhu.
Oh yes my Dear Paris. Just wait a lil moment and lil and lil moment. I'll be with you soon. Hahaha


Thursday, December 1, 2011

I missed you DADE :'(

Ang hirap pa din pala. Sa lahat ng nawala sa pamilya namen parang hanggan ngayon hindi ko pa matanggap ang pagkawala ng Dade. O dahil kaya kita ko kung paano siya nawala. Nakita ko ng wala man lang ako nagawa kundi paulit ulit kong sinasabe na

"Dade gising na! Dade! Dade!"

At ayan din ang paulit ulit kong naririnig sa paligid ko. Hindi ko kinaya, lumayo ako at umupo sa isang tabi. Yung tibok ng puso ko sobrang lakas. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

October 31, nagpunta ako ng Sm Lipa at para bumili na din ng mga flowers na gagamitin pagpunta namin ng cemetery. Paguwe ko bitbit ko yung flowers, pinalapag dun sa kubo para makita.

" huwag mo yan dadalhin dito, hindi pa ako patay" yan ang huling biro ng dade saken.

Ilang oras, maaga ako natulog. Bigla akong may narinig na malakas na sigaw ng mame. Bigla akong nagising at pinuntahan ang mame. Pumunta na din yung iba kong mga tito at tita para tingnan kung anong nangyare.Nakita ko na lang ang dade at ang mame na nakahandusay sa malapit sa lababo. Binuhat ang dade sa may kama. Ginigising ko siya, namin.

"Dade! Dade!"
Tinatawag ko siya ng paulit ulit. Naisip ko na agad na wala na siya. Pero hindi ko tinatanggap yun. May pag-asa pa. Pangatlong beses na niya tong atake sa puso. Yung mga nauna, ganito din pero mumulat pa siya. Ilang minuto pa sabe nung tito ko dalhin na agad siya sa hospital. Naiwan ako, naiwan kame. yung iba ko lang tito at tita ang kasama pati ang mame tsaka ang inay.

Nagdasal ako, na sabe ko Lord ibabalik mo siya samen. Ibabalik mo siya ah. Mga ilang oras pa ang nakalipas. Yung ibang mga kapatid ng Dade nagtipon tipon sa bahay ng Lola ko. Alam ko na nung time na yun na wala na. Hindi ko matanggap. Hindi. Ayaw tanggapin ng utak ko na wala na siya.

Bandang 6am, dumating na sila. Dumating na ang dade pero nakahimlay na siya sa kabaong. Hindi ko napigilang umiyak. Napakabilis ng mga pangyayari.

Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari hindi ko maiwasang malungkot. Hindi pa din tanggapin ng utak at puso ko na wala na siya. Hindi ko alam kugn bakit. Miss ko na ang Dade. Alam ko masaya na siya at alam kong binabantayan niya kameng lahat.

Kapag nawala na siya

Ano nga bang pakiramdam yung iniwan ka o iniwan mo yung taong alam mong mahal mo pa pero hindi na talaga pwede. Yun yung pakiramdam na hindi mo alam kung ano. Na para bang ikaw na yung pinakamalungkot na tao sa buong mundo. Pakiramdam mo nawala na ang lahat ng sayo. Ang hirap ayusin ng ganung pakiramdam. Kahit pa sabihing merong mga bagay na nagagwang mapasaya ka pero sa huli iiyak at magighing malungkot ka na naman. Habang iniisip siya, umiiyak na sana kayo pa, na sana kanya ka pa at pag aari mo pa siya. Eto yung pakiramdam na ayaw mong maramdaman kapag nawala na siya.

Wednesday, November 30, 2011

Logic to Inlab Convo! Gagu.HAHA

Nagsasagot ako ng Logic kanina at katext ko din si Poleng Kaye. NAgsitulog na yung mga katext ko pero okey na din yun. Kadalasan kase kung may katext ako gusto ko isa lang. Ayoko ng madami. Nakakalito. Nakakatext ba kita? Hahaha.

Ayun. Hindi ko pa tapos yung logic ko 17-50 ba naman. Nakakabaliw lang kase.Meron pang natirang 7. Bukas na lang. At dahil hindi pa ako antukin nag OL ako. Kaso dapat pala hindi ako nag OL may kugn ano akong magic na nakita na hindi ko angustuhan. Ansabeeeee? HAHAHA.

Gising pa pala yung pinsan ko at eto ang convo

Ako: boy!(tawagan namin) dumating ka na pala.
Kuya Jay: Kanina pa, bakit gising ka pa?
Ako: e hindi pa ako inaantok, meron pa akong sinasagutan.
Kuya Jay: nako! Inlab ka boy!
Ako: (napangiti) halah! di ko alng masagutan yung sa Logic namin. Nakakabaliw!
Kuya Jay: Sa mga ganyang tingin inlab ka. Nako, Inlab ka pala boy e.

Sabay akyat ko dito sa taas at binuhay ang computer. Hahaha. gago yung pinsan kong yun. Nahalata? Joke! PAti tuloy ngayon natatawa ako. Ano meron dun. Nagutom siguro. Hahaha.

Tuesday, November 29, 2011

Apple



Antok na ako sa totoo lang, pero tinatamad pa ako matulog. Balak ko pa naman magjogging bukas mag-isa pero mukang tatamadin na ako. Mas trip ko magpuyat ngayon kase wala namang pasok bukas e kaya okey lang.

Eto na naman ako, wala na naman ako maisip masulat. Kung ano ano na naman to. O sige eto na lang.


"APPLE"

Yan ang favorite kong fruits. Pero favorite ko talaga ang fruits. Kahit siguro puro prutas lang ako mabubuhay an ako. Totoo, walang halong biro. Kaya ko atang umubos ng mga 5pcs of apple per day. Minsan higit pa. ganyan ako kaadik. Minsan ang ginagawa ko, nilalagay ko siya sa freezer tapos kapag sobrang tigas na niya saka ko kakainin. Masarap kaya siya. Kapag kinakakin ko siya hindi ko tinatanggal ang balat. Mas feel ko yun, tska madalas hindi ko na siya inii-slice. Mas gusto ko siya ngatngatin. Sabeee ng word ko. Hahaha. Kaya favorite ko ang handaan kapag New Year e. Kase samen sa Batangas kapag New Year, sama sama kaming limang bahay na naghahanda sa isang kubo lang. yung fruits kanya kanya tapos yung mga main courses toka toka o kaya kung ano gusto mo idagdag na handa go lang. After ilang minutes ng putukan, kapag mejo tahimik na yung ibagn paligid, yung iba naming pinsan pumupunta dun sa kubo. Kasi yung iba, malalayo yung street. E syempre lahat merong fruits, lahat ng Apple dun kinukuha ko. Hahaha. Expected na nila yun kaya alam na nila kung paano nababawasan yung mga fruits nila.

So ayan meron an akong napost about na naman sa kawirduhan ng buhay ko. Hahaha. Sige an antoks na ako e. Goodnight na! Natutuwa ako dahil nabubuhay ko na ulit tong blogspot ko. Goodnight! sweetdreams!

Jelly Names kow!





































eto na yung ipopost ko. Yiiiizzz meron na akong jelly name. Hankyut niyan. Sa Christmas Tree ko sinabit! Hahahaha. Wala lang, kanya kanyang trip yan. Mas like ko yung "Paris", red kase. Hahaha. Papagawa ulit ako niyan sa sunod, meron apng resibo na kasama. Napakawais ng seller. Hahaha.

Mamaya!

Magpopost ako mamaya ng kung ano mang naging parte ng araw na to. Okey naman siya. Simple pero masayang araw. Kahit hindi ako natawag sa Human Behavior Subject namin na kahiut yung explanation ko ay pareho ng kay Sir okey na din yun atleast meron akong natutunan. Natanggap ko na din yung jelly names kow. Ang cute niya, angkulet lang. HEHEHE. Ipopost ko mamaya yun, mamaya na ulit. Babayoooo.

Sunday, November 27, 2011



Ang cooool ng kuha jan. Yan yung rooftop na merong second floor. E kase open rooftop siya tapos meron ka apng aakyatan na ganyan florr pero maliit lang. Masarap tumambay jan lalao na kung gusto mo magisip isip o magpahangin lang.

Last time jan ko inubos ang oras ko at hindi ko napansin na natapos ko na yung book ni Jay panty. Hahaha. Mahangin kase, kita yung Sta. Lusia mall at kung ano ano pa.


Last Saturday, jan naisip ng tita ko tumamabay. At tumamabay kame nga. Kain kain. Kung ano pinaguusapan. Lahat na lang ata gusto puntahan pero sa greenhills at seaside kame nauwe. Hahaha. Sarap lang bonding sa family namin. Iba e. Intact talaga kame.

Lagay ko din pala yung iba kong pictures jan kaso antaba ko pero okey lang.Hahhaha. feel ko e. di ko naman alam na kinunan pa pala ako.





oh ayan. Wala man lang akong matinong kuha jan.HAHHAHA.

Gameeee!

Antagal ko na palang hindi nagpopost dito. Hindi ko na masyado maasikaso simula nung nagsimula ang second sem. Palagi kaseng busy, palagi na din ako nag-aaral. Good for me di ba? Madame akong naiisip past days. Pero kapag kaharap ko na yung keybooard wala na akong masulat. Diary ko kase to, dito ko lahat sinusulat ng personal. Swerte mo kung ipupublic ko to sayo. hahaha. Hanggat maari ako muna ang may alam neto. Baka makornihan yung ibang tao saken.Hindi na din ako nakakpagpost sa Tumblr. Ewan ko ba.

Itry ko ulit muling buhayin to tapos try ko na din magfollow ng ibang blog. Pero private lang yung ibang blogsite ko dito.hahahah. Masyado ng personal yun e. So, game! magpopost ako ng ilan lang. Paunti unti. :)

KAmusta ka?

Monday, October 17, 2011

Don't make it so complicated.

Bakit kaya merong mga taong ginagawang complicated ang isang napakasimpleg bagay. Ano kayang utak meron sila, jusko bakit merong mga ganitong tao. Feeling perfect pero hindi naman. Kahit merong mga bagay na perfect tingnan pero hindi naman kailngan perfect din gawin. Bakit kase kailangan pang pahirapan ang sarili. Hanga din ako sa mga ganitong tao pero nakakainis na din talaga minsan.

So eto nga, meron kameng project na may kulang lang naman na dapat ilagay, pero yung LEADER namen nagpupumilit na ulitin. Okey lang naman na uliting kung mali lang talaga at pero hindi naman e, meron lang kailangan na isingit na ilang letra. Nakakainis lang kase ginagawang kumplikado ang isang napakasimpleng bagay, tapos parang mababaliwala pa yung pinaghirapan namin. Anghirap lang kausap ng mga taong ganun, hindi makaintindi. Nakaka.. ewan ba. Nagpipigil lang ako aksi kaibigan ko alng din yun at ayaw ko na namang makasakit gamit yung mga salitang totoo naman.
Paano kaya uunlad ang mga taong to, paano kaya nila haharapin yung mga mas masasakit na pangyayari sa buhay nila. Hindi ko na din alam ang gagawin ko sa mga kaibigan kong to. wooooh!

Saturday, October 15, 2011

I want change!

Hindi ko na naman alam ang takbo ng utak ko. Ngayon ko talaga nararamdaman na merong mali ngayon sa buhay ko, sa pananaw sa mga bagay bagay. Masyado na akong nagiging matigas sa mundo. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Madami na akong nasasaktan na tao pero wala pa din akong pakialam. Ano ba dapat talaga ang gawin ko? Kailangan kong maibalik yung dating ako. O kung hindi ko man magawa, I need to be a better person. Kailngan kong itama ang mali na meron ako, na dinadala ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito. Masyado kong sinira yung buhay ko, masyado kong minahaql ang sarili ko pero ang totoo hindi ko to minahal. Naging mailap ako sa nararamdaman ng ibang tao, at naing makasarili ako. Lahat na lang ng bagay kinaiinisan ko. Nakalimutan ko ang salitang pagmamahal.

Kanina naisip ko na hanapin ang sarili ko. Yung sarili ko ang iiisipin, in a way na hindi makasarili. Gusto kong mahanap kung ano ang nakakabuti at totoong makakapagpasaya sa akin. Siguro mas magiging okey ako, at magiging okey ako kapag nagawa ko na ito. Hindi lang kase mga kainbigan ko ang naapektuhan, hindi lang yung mga taong nakapaligid sa akin sa school, kundi yung mga kapamilya ko. Masyado ko ng napapbayaan pati physical body ko. Gusto ko sanang gawin to o hanapin ang sarili ko na ako lang mag-isa. Hindi ko alam kung magiging okey tong gagawin ko pero alam kong ito ang makakabuti sa lahat. Gusto kong makapag-isa, lumayo muna sa mga kaibigan hanggat maari, maging busy, magfocus muina sa pagaaral, gusto ko din munang alisin sa buhay at puso ko si *******. SIguro eto muna ang gagawin ko para lang maging ako ulit at maging mas okey na Donna pa. Sana mainitndihan nila. Sana maging handa sila sa pagbabagonmg gagawin ko ngayon.

Sunday, September 25, 2011

Good or Bad sunday??? hmmm

Ano na naman kayang bago at nabuksan ko tong blogspot ko. Madami na naman kase ako naiisip peo tulad nga ng nasabi ko, nakakalimutan ko siya agad kapag kaharap ko na tong computer.

Ayun, sumimba ako kanina. Usually 8am ako sumisimba, kaso tinamad ako tsaka sobrang aga pa kaya 9 na ako sumimba. 7am ako nagising, nanuod muna ako ng MYX at pinanuod ko din yung final ng Hell's Kitchen, buti naman bago mag 8:30 natapos ko siya, matagal ko na kasi yun pinapanuod kaso di ko palagi maabutan yung episode ng Finals. So ayun nga, nagbuhay pa ako ng net para magopen ng tumblr, yung Fb ko hindi ko na naman ma-open dito, hindi ko alam kung bakit. Ang ginawa ko na lang ay pinatugtog ko yung "how to love" ni Christina Grimmie at Tyler Ward, sobrang loakas lang ng patunog ko, dumadagundong yung bahay. Habang naliligo ako, nappakanta ako. Hahaha.Umalis ako mga 9 na, akala ko late na ako pero hindi pa nagstart nung dumating ako.

Umupo ako sa bandang unahan kase mas gusto ko nakikita yung pari. Bago mag simula merong umupo na maganak sa tabi ko, ang sikip sikip lang. Sobrang dikit nung batang katabi ko tapos parang nagaaway pa sila nung katabi niya. Nakakainis lang pero nagtimpi ako kase nasa loob ako ng simbahan.

"All Rise"
Ayan magsisimula na, buti naman kase meron pa din akong pupuntahan. Lumakad na yung mga readers at kung sino sino pang sakristan at pati na din yung pari na nasa likudan. "oh my God, patawadin niyo ako" yan agad ang nasabi ko nung nakita ko yung Pari. Siya kasi yung pari na parang bombay o ano mang lahi yun. English yung mas tapos yung accent niya hindi talaga maintindihan. As in wala talaga, jusko patawarin niyo ako. Paulit ulit ko siyang nasasabi. So, ayun naisip ko na pagktapos ng homily lalabas na ako, kase naisip ko lalo lang ako magkakasala kapag tinapos ko pa yung mass, pero parang mas malaking kasalanan yun. Naiinis pa din ako dun sa katabi kong bata, pero idinaan ko na lang sa dasal. Nagdasala na lang ako ng mataimtim nung communion na, nagsorry ako, nagthank you at nagwish na din.

Pagkatapos ng mass pumunta ako sa sport center, meron kasi dun bilihan ng mga murang shoes, dun ako bumibili ng espadrill shoes ko. Bago ako makarating dun, nakita ko yung shoe sale sa October 3, ayan natuwa ako. Mahjilig kase ako sa shoes, obssession ko yun e. Kaya ayun, nung andun na ako, nakita ko pa din yung gusto kong shoes dun pero hindi ko binili. Next time na lang, kabibnili ko pa al;ng kase e. Tipid tipdi muna, pumunta na ako sa Mcdo. Bago ako makatawid, merong nakamotor na muntik na makabangga sa akin, at narinig ko yung sabe ni ate na " hindi kase marurunong tumawid yang mga yan e", tapos nung mejo malayo na siya sabe ko " gagu!" e nakita nung anaka niya, ayun gumanti, sumigaw ng gago. Ako naman inulit ulit ko yung gago ko, mukang naiisin na si ate habang papalayo na yung motor niya. ANsama ko, naisip ko war freak pala ako. Binaliwala ko na lang yun, kaksimba ko lang e.

Kumain ako sa mCdo at pumunta na sa parlor para magpatreatment. Akala ko mga 250 lang ganun, tapos sabe saken 600 daw. E napaoo na ako, e di shinampoo na yung buhok ko. Nung nakaupo na ko para lagyan ng gamot nakita ko yung hotoil blah blah na 100 lang, sabe ko ate hotoil na lang muna. Pero nakaready an yung gamot, halah sayang pero wala silang nagawa kaya hotoil na alng. Para pampalubag loob, nagpafootspa na din ako. so ayun, lumambot yung paa ko pati yung bihok ko, umuwi na ako. Eto all alone na naman.

ANg haba na pala nito. Wala namang babasa kaya okey lang. Yihee may nasulat ako. Hahahah

Friday, September 16, 2011

Nakalimutan ko

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong masabi ngayon. Ewan ko ba biglang bumigat yung pakiramdam ko kanina. Naging emo tuloy ako.

Madami aking naiisip kanina nung nasa school pa lang ako pero ngayon ayan hindi ko na siya maisip. Ganun talaga ako, palagi ko an alng nalilimutan. Nakakainis lang talaga. Teka isipin ko muna, gusto kong may masulat na worth it basahin.

Wednesday, September 14, 2011

IDEAL BOYFIEEE!

hey blogspot! Masyadong type kita ngayon kaya eto magsusulat ulit ako pero feeling ko malalate ako sa school. Di bale na, late din yung prof namen. So ayun, wala pa akong title sa mga oraas na ito pero meron na akong idea. "IDEAL BOYFRIEND" ha? ako? ideal boyfriend? Naisip ko yun, ibang klase din. Deh joke lang eto na.

OO meron akong ideal boyfiend, papangalanan ko siya. King ang nasabing bikitima. Hmm. Lubos lubusin ko na ang detalye. Classmate ko siya ngayong college and yes meron siyang girlfriend at ako yun. Hahaha. Hindi assuming lang. Meron talaga siyang GF at barkada kaming tatlo. Uy hindi ako traydor ah, Ideal boyfriend lang without feelings. Kumbaga gusto ko kung magkakaboyfriend ako ganito. Physical, emotional or rational. Anu daw, karhyme lang yun.Hahaha

Eto sige sino ba siya? Hindi siya gwapo pero maappeal, nadadala siya ng pananamit niya and guys dun ako walang masabi sakanya. Lumuhod ang pagkatao ko sa galing niya magdala ng damit. Yung tipong simple pero ambango tingnan at ang mahal tingnan. Basta ganyan, napakalinis sa katawan, talo pa ako. Siya din nga ata inspirasyon ko kung bakit nagiging mas malinis ako sa katawan ko. Nakakahiya kase sakanya.Hahaha. Ano pa ba, ahmmm. May sense siya kausap yung tipong madami kang matutunan. Hindi nakaksawang kausap.

Pagdating naman sa relationship anggaling lang niya maghandle. Yung PDA sila pero in a good way. Yung hindi kadiri tingnan. Alam niya kung paano gumalaw sa harap ng madaming tao at kapag may kasama silang dalawa e hindi ka ma-op. Tsaka siguro madaming mga bagay ang napapgkasunduan namin lalo na sa sapatos. Iba siya talaga

Isa pa e kung paano siya maghandle ng pera. Hanga lang ako dito. Madame siyang pinagkakagastusan kumbaga galit sa pera pero iba e yung talagang worth it. Sakanya ko siguro nakuha kung paano magbudget.

Ayan wala na ako masabe tungkol sakanya, nabura kase yung kanina kong tinataype ayan hindi ko na lam tuloy. Saka na ulit ha.

I WANT CHANGE!

Madami na namang sumasagi sa isipan ko, hindi ko na naman alam kung bakit. Buti na lang kaharap ko tong laptop at pede kong maisulat dito. Wala naman makakakita nito e kundi ako lang at yung follower ko na isa e hindi naman siya madalas magopen.

So, ngayon ewan. Super conscious ako sa sarili ko. Gusto ko ipaoverwhole yung katawan ko. Hahaha. Parang sasakyan lang ah. Ewan ko late na ata ako nagdevelop sa ganitong aspect. E wala naman talaga ako pakielam sa sarili ko dati. Hindi nga ako marunong magpulbos o kung ano man e.Kahit humarap sa salamin hindi ko na nagagawa.

At eto gusto ko lahat itry, madami kase akong pimples and acne. Pano kaya to maalis, kainis. Naiinggit ako sa ibang ang kikinis ng muka. Eto panira sa porma e, ok na ang lahat tapos pagdating sa muka bomborombombom! Ampanget! Hate this and now I'll do everything mawala lang to. Sa katunayan food conscious na din ako kase madaming bawal para maiwasana ang pimples tapos healthy lifestyle na din. Iwas iwas din sa puyat kahit madaming gawain. Kailangan kong alagaan ang sarili ko kaya din siguro wala akong lovelife pero merona akong mahal. Echos lang yan.Hahaha.

Ayan nakapagpahayag na naman ako dito at meron pa akong balak isulat mamaya o sa school na lang kaso wala akong dalang laptop e kapag cellphone nahoihirapana kong magexpress pero pwede na din. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Kahit walang nakakabasa basta parang may mapagsabihan. Meron din pala akong tumblr kaso mejo bulgar dun at tsaka parang mga realizations in everything ang kaya ko lang maisulat. o ayan napahaba na kamo. Sige na my dear blogspot.

lezzzz drive crazy!

Habang nagkakape na naman ako nasimulana ang magandang umaga ko. Habang nagkakape ako kanina bigla akong tinanong ng ninong ko kung meron daw akong gagawin sa sembreak. Nagalanganin ako ng sagot kase baka kung anong hindi ko gusto ang ipagawa nito saken pero ang nasabe ko na lang ay
"wala naman ho, bakit ho?"
"ay siya magaral ka ng magdrive?
e di isip isip ako kung paano ako magdrive syempre sa batangas kase andun yung sasakyan namin kaso laging wala yung tatay ko dala dal niya yung sasakyan.
"ay palagi hong wala ang tatay, yan na lang sportivo ang gagamitin ko kayo magturo" yan ang nasabi ko.
" hindi sa ano ka magaral, magdriving lesson ka" yan ang sabi ng ninong ako mejo natutuwa na ako at nagtatalon yung puso ko pero paano wala akong money
"pano yun wala ho ako pera"
"ako magbabayad, kelangan ng iyong ninang e gawa ng akoy sasakay na ulit ng barko"

at ayan tuwang tuwa ang puso ko. Yehey sa wakas! yun lamang para sa umagang ito.

Anong nangyari saken?

Madaming bagay ang hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung ano, kung paano. Ang alam ko lang ay nagbago ako, nagbago na hindi ko na kayang maibalik sa dati. Natatakot ako sa ganitong sistema ng buhay ko. Madami ng tao ang nasasaktan ko, nasasaktan na hindi ko alam dahil sa ngayon wala na akong pakialam sa nararamdaman ng iba.

Hindi ako ganito, hindi ganito ang taong nakilala nila. Ibang iba na ako ngayon. Hindi ko mainrindihan ang sarili ko pero gustong gusto kong ibalik yung dati. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung paano ako nagkaganito. Masyadong mailap ako sa mundo, hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong gulo na ako, maraming bagay ang nawala at nagiba sa akin.

Isa lang ang naiisip kong dahilan, epekto siguro to ng sobrang sakit na naramdaman ko dati. Dumating kasi sa point na pinilit ko na itatak sa isipan ko na hindi na ako dapat masaktan o mahirapan man. At eto, sa ibang tao naman ako nakakasakit. At ngayon gusto kong ibalik yung dati pero pano?
Simula kanina habang umiinom ako ng kape madaming bagay ang sumagi sa isipan ko. Kung ano ano, merong masama merong maganda. Hindi ko namalayan na naubis na yung kape ko. Naisip ko din na gusto ko sanang isulat dito lahat ng mga bagay na naiisip ko, dito kase tahimik at maaring ako lang ang makabasa pero sa ganun nailbas ko kung ano man tong tinatago ko o kung ano man ang nasa isip ko. Sana magtuloy tuloy to, para meron akong mapaglabasan ng mga nasa loob ko.

Friday, July 22, 2011

Tayo ang piloto ng ating buhay

Tayo ang piloto ng ating buhay. Bilang piloto meron tayong sariling eroplano na pinapalipad. Sa bawat paggalaw ay merong kaukulang mangyayari. Tayo ang may kapangyarihan kung saan nating gustong pumunta. Kung gaano kalayo ang gusto mong lipadin.

Sa baawat paglipad ay hindi nawawala ang mga pagsubok. Ang napakaraming pagsubok ang ating kaakibat, minsan natataranta tayo at nawawalan ng pag-asa, pero sino lang ba ang mahihirapan kundi ang sarili din natin. Kaya sa bawat paglipad na ating gagawin, dapat pag-isipang miabuti ang mga kailngan at ang mga dapt ipagsaalang-alang. Minsan huwag taoyng maghangad na maabot natin ang isang lugar na napakalayo dahil kung minsan hindi sapat ang dala nating gasolina para maabot ito.

Sa bawat paglipad ng sarili nating eroplano, Hindi tayo n.awawalan ng mga pasahero. Ang mga pasaherong umaasa at pinagtitiwala ang kanilang buhay sayo.

Kaya't pag-isipan ang baawat gagawin dahil sa bawat destinasyon ng ating buhay ay hindi tao nag-iisa. May mga taong nagtitiwala at humahanga sa atin upang marating natin ang destinasyon ng ating mga pangarap.

Huwag kang magtataka kung dadating ang panahon na hindi ka na kayang paniwalaan ng mga taong malalapit sayo.

Bakit?

Bakit nga ba? Subukan mong sa sarili mo mismo itanong.

Minsan kase hindi mo namamalayan na may mga bagay o mga salita kang nabibitawan na hindi mo namamalayang nakakasakit ka na pala sa iba. Isa lang yan sa mga dahilan, minsan sa sobrang sakit na natatamo nila, hindi nila namamalayan na immune na pala sila. At sa pagdating ng panahon, ang mga salitang binibitawan mo, ay pinapakinggan na lang nila ito pero hindi na nila kayang paniwalaan.

English na tinagalog pa- paulet ulet lang

"I like it, gusto ko to"

"I love you, mahal kita"

"Thank you, salamat..salamat talaga"

Hindi naman ako lihitimong kritiko para pansinin ang mga bagay na ito. Ngunit bilang indibidwal na nakakarinig o nakakakita, hindi ko maiwasang isipin to. English na nga tinagalog mo pa pero isa lang naman ang ibig sabihin. Ang nangyayari tuloy paulit ulit lang ang sinasabe natin.

Pinoy kasi tayo e, nasanay tayo sa ganito. Okay lang pakinggan pero kapag inunawa mo ng mabuti parang ampanget na niya kung iisipin. Ganyan tayo e, tubong malikhain sa pagsasalita at pagiisip. Nauso kasi ang taglish kaya umusbong ang mga ganyang uri ng paguuusap.

Sa isang banda, nakakatulong ito sa atin dahil merong mga bagay o salita ang hindi natin kayang iparating o kayang intindihin kung purong tagalog o purong english ang gagamitin natin. Ganyan ang pinoy, KAKAIBA!

Tuesday, July 12, 2011

Maswerte ka kung nararanasan mo ang mapapait na pangyayari sa buhay mo dahil dito naalala mo kung gaano kasarap ng buhay.

HANGGANG KELAN?

Ilang beses ko bang mararamdaman to? Ilang beses ko bang kailangang masaktan at walang magawa kundi hayaan kang mahalin ang iba. Hanggang kelan ba ako magpapkatanga sa mundo ng pag-ibig. Kelan ba ako matututo na maging bato at walang pakialam kung merong masaktan o wala. Kelan ting yung pagkakataon na ako naman.. ako naman yung mahal, yung kailangan hindi mawala, yung ako ang kailangan.. hanggang kelan?

Tuesday, July 5, 2011

"Mahal na din kita" -kelan kita maririnig mula sayo?

Ang hintayin ang salitang mahal din kita ay napakahirap.

Totoo naman di ba?

Sa mundo ng pag-ibig, isa ito sa pinakamahirap gawin. Ang maghintay ng pagmamahal sa isang taong hindi mo alam kung kailan mo makukuha.

Hindi madali ang proseso ng paghihintay. Ang mga bagay na imposible pero ginawa mong posible. Ang magmukhang tanga sa tingin ng iba na hindi mo namamalayan. Ang mga effort na ginawa mo mapansin lang niya.Ang bawat pagsasabi mo ng “ingat ka” na para lang sakanya. Ang mga banat na naiisip mo para lang mapasaya siya kahit para sakanya biro lang. Ang mga kowts na iji-gm mo na tungkol sa pagmamahal mo sakanya. Ang minsang lakas loob na pagkausap sakanya, para lang mabuo ang araw mo. Ang tanging siya lang ang laman ng inbox mo na paulit ulit mo pang binabasa. Halos lahat ng bagay ng na para sakanya nagawa mo na makuha lang ang sagot na “mahal din kita”

Isa itong sakripisyo, dahil sa bawat oras na lumilipas ay umaasa ka na sana balang araw ay masuklian niya ang pagmamahal na kaytagal mo ng hinihintay.

Sabe nga nila ” If loving you is waiting, and waiting is pain then pain is worth having”. Kaya naman kahit merong mga bagay na nagdudulot ng sakit at dahilan para sumuko ka na ay hindi mo iniinda para lamang sa salitang “MAHAL DIN KITA”