Thursday, March 22, 2012

Best dare that I'll always accept!


Okay! Parang napansin ko lang na madami ako nakaen kanina, yung iba napicturan ko pa. Haha. 

I had my breakfast with my couz, we ate tortang talong and tuyo, simple lang kame, probinsiyang probinsiya. E masarap talaga, then ayun naiwan ako mag-isa sa bahay kase umalis siya para asikasuhin yung work niya.. 


Four Fuji Apple with Salt

Before the second meal, I was like "what am I going to eat. I thought of getting out, go to Pizza hut, or Mcdonalds or should I order online. I stared for about thirty minutes I think in ze Mcdonalds menu on ze internet but I realized that I don't want to throw my money out instead I must cook or look for a food available in our fridge, then I found Nuggets and Pancit Canton in our pantry.

 Pancit Canton with NOT so Hard Boiled Egg (epic fail yung egg, baboy tuloy) and Nuggets. I added ze nugget sauce  to the noodles. and balance yung lasa, kaya masarap. 
STRAWBERRIES. Actually hindi ko siya nakaen, dapat lang kase tinawagan ako nung tita ko, mother ni Kuya Rhads(matabangutak) na kumuha daw sakanila niyan. E umuulan, tinatamad ako lumabas tapos nakatulog na din. Pambukas na lang siya.



Wednesday, March 21, 2012

And I tried! :]


Imma try something! Hahaha. Pero di ko to seryosohin, hulahan mo kung ano? HAha. Try ko siya ngayon. Hulaan mo kung ano. MAgbasa ka lang. PEro as usual magkwento lang ako may dagdag lang na konte. HAhaha

Eto eto.. nakakainis! E dapat sa mga oras na ito nasa Batangas na ako. PEro dahil jan sa thesis na yan, hindi pa ako nakasama dail imemeet daw kame ni Sir so ako naman pumunta nga kase hindi siya madalas umattend ng class basta gumawa lang kame ng thesis, e last na meeting namin dapat today kaya naisip ko baka pag hindi ka umattend e me kung anong maling mangyari. Kaya gora bels pero yun pala hindi aattend at magababayad lang kame. Ay bayaran, dating Dean pa naman. TSk tsk. Anyway enough for that, so ayun pumunta kame ng SM Centerpoint ng mga friends ko para kumaen, sa diname dame ng pwedeng pagpilian sa Mcdo pa talaga nauwe ang lahat pero okey lang enjoy naman. Pagkatapos kumaen, naghiwahiwalay kame, actually ako lang pala humiwalay. Haha. Nagpunta sila ng WOF samantalang ako e sa National Bookstore. HAha. I have this weirdy thing na mas gusto mag-isa. Haha. So ayun, nagpunta ako dun, basa basa ng pwedeng basahin ng books at naglaon napatungo ako sa PAPEMELROTI. NAgtingin ng kung ano ano at may binili akong bracelet. After nun nagkita kita na ulit kame tas nanuod ng sine, pero hati na naman kame. YUng iba Corazon: Ang Unang Aswang tapos kame Paranormal Activity yung tig 25. Mejo nakakahilo siya pero okey naman. Yung last part lang yung maganda, hindi ako pwede magreklamo dahil nilibre lang ako. Hindi ako kuripot, matipid lang. Hahaha. 

Mag seven na ata nung pauwe ako, dumaan pa ako sa Rob para maggrocery. Hirap magbitbit kase paper bag siya. Bigat bigat. HAha. So ayun lang, nakikinig ako ng Papa JAck ngayon, wala lang. HAha. May gagawin ako, ttry lang pero hindi ko seryosohin. I don't mean to brag or something, I just wanna try.


What Im wearing; Gray Half Sleeves (Giordano), Black Pants (GUESS), Watch ( Empero Armani) , Bracelets (Papemelroti) Bag (Penshoppe) Shoes (Nike), 

Oha, pasensya wala pa akong DSLR e kaya malabo yung kuha. Hahahaha. Nakakatuwa at mahirap din pala to. Ba yen. Eto pa.



Peace bracelet and Jeepney Bracelet from Papemelroti.


Hahaha. Natatawa ako sa ginagawa ko, makapaglookbook na din kaya. Wahaha. Joooke! Masaya pala to, natutuwa kase ako sa mga fashion artist pero di ko po hilig to. Haha. Pleasured. :) Tama na, nakakabaliw baka madamay ka pa. Thanks!

Tuesday, March 20, 2012

This ain't fair! I feel so selfish.

Bothered! Super! I don't know. E kase naman yung kapatid ko kung hindi nakapasa waitlisted naman siya. Ako yung nasasaktan kase naawa din ako r. Parang ang sakit lang sa pagkatao ko. Hindi ko matanggap kase nagpromise ako na aalagaan ko talaga siya once na makapasa siya dito akso hindi. Kaya hanap na naman ng ibang school, naman kase. Hindi ko matanggap kase mas matalino yun saken. Ay oo na matalino ako. Hahaha. E pake mo, minsan lang magfeeling. Hahaha. Basta yun. Para kaseng feeling ko ang selfish ko. Isinasama ko din naman siya sa dasal ko na sana makapasa siya pero parang ako ata yung pinagbigyan ni Lord na makapasa sa Logic. Masaya naman ako kase nga nakapasa ako pero parang hindi kumpleto. Akala ko okey na pero nung nalaman kong hindi pumasa yung kapatid ko parang nararamdaman ko yung sakit na mararamdaman ng nanay at kapatid ko. Hindi ko agad masabi pero nasabe ko na din naman kaso hindi ko talaga matanggap. Paano na lang yung pangarap namin dalawa na maging engineer, sabe ko kase siya na lang magtuloy sa pangarap ko at gusto na din naman niya yun e. Basta gagawa ako ng paraan para makuha niya yung gusto niya. Hindi pwedeng hayaan ko na lang na ganun yung nangyari. Ako rin yung nahihirapan, ayokong may nasasaktan sa mga kapatid ko e. Kahit alam kong siya din may kasalanan, parang hindi ko kayang nasasaktan siya, hindi pwede. I must have something to do. Lord, kayo na po bahala samin.

Friday, March 16, 2012

GOD KNOWS WE'RE WORTH IT. :]]]

This day is EPIC!! Super. E kase hinihintay ko tong araw na to kase para dun sa legend na LOGIC subject na yan. Okey bago ako magkwento, ipapaliwanag ko muna kung bakit matter of life and death kapag LOGIC na ang pinaguusapan sa section namin.

Ang balita sa mga nakaraang panahon at henerasyon, wala pang nakakapasa kay SIR ALBINO AMOGUIS. Meron na siguro pero ang sabe pinakamadami na daw yung lima at ginto daw ang tres na grade.Ang legend pagdating sa Logic. Sa totoo lang masarap siya pag-aralan, ang teknik kase dapat alam mo agad ang basic, ze moods and figures. Para siyang algebra, madaling tingnan pero kumplikado. Magaling siya magturo, super. Wala akong masabe, mahirap lang talaga siya. Hindi ko ma-explain, yung tipong kapag tinuturo niya alam na alam mo na pero kapag nagbigay na siya ng homework nga nga ka. Hahaha. Totoo yan pero hindi sumuko ang iyong lingkod, inaral at inintindi ko siya, at proud ako sa score ko nung finals. Bagsak ako, pero highest daw ako. Anu yun? haha. Basta, proud pa din ako, hindi dahil highest kase alam kong tama yung ginawa ko at ibig sabihin nun nagets ko siya. at ayun nga dahil walang pumasa ng finals exam, kelangan namin magremedial Kapag bumagsak ka na dun, HELLO SUMMER CLASS! hahah

So, Friday! Remedial day. The day before wala na akong gana magreview pero nagbasa lang ako. SO kanina, 0800 ako nagising, nagkape, keme keme lang.bago ako umalis hinaplos ko yung santo dun sa altar namin.

" sa tagal mo ng nakatira dito, ngayong ko lang nakita na hinaplos mo si St. Clare ah" sabe ng ninang
" It's a matter of life and death ho, hahaha"
" tingnan natin ang bisa niyan"

Grabe, desperate ba tawag diyan, di naman. Kelangan ko lang talagang maniwala at alam kong hindi ako nila bibiguin. hahaha

 Sa main yung exam. Ibig sabihin walang aircon, ibig sabihin mainit at ibig sabihin hindi nakauniform Haha. So mga 1230 ako nakadating sa school, 1pm pa yung exam. Hindi agad  ako dumiretso sa room kase wala pa din yung iba dun. Tapos mga 15 minutes before 1 umakyat na din kame. Nakita ko si Sir at bigla akong kinabahan na parang inlove. Hahaha. Grabe, madame din kameng kasabay na ibang section. Naghintay muna kame ng 15 minutes bago magstart kase wala pa din yung iba.Kumakanta pa akme nung classmate ko ng I wont give up tsaka Never say never. Hahaha. So after 15 minutes, nagsalita si sir, merong mga tinawag na names with our corresponding numbers. Ang alam ko eto yung mga hindi nakapgpapirma ng Regi(stration card). E kaso kasama ako

        "number 24, Mendoza"
        " Sir (sabay taas ng kamay), number 25 ako"
pero mukang hindi narinig ni sir kaya lumapit ako.
         " sir number 25 po ako, mendoza"
         "men....doza, oo nga 25"
tapos meron akong nakitang numbers, 1.37 ata. basta ganun. e di umupo na ulit ako at napaisip. Ano kaya yun, tapos biglang sabe ni sir.

        " to those who were called, you need not to take the xam"
        " ano daw? " sabe ko. Ang pakinig ko kase "you need to take the exam" kaya parang ewan, tapos bigla na silang nagtalunan.

          "you may leave". ayan ang huling sabe ni sir.

Lumabas na kameng nagyayakapan at nanginginig sa tuwa pero sabe nung classmate ko, ano daw ba talaga. Baka mamaya kame daw pala yung bagsak kaya tinanong namen kay sir kung ano daw kame, sabe niya pasado na daw. Grabe talaga yung sigaw at tuwa namin. grabe talaga. Super yung saya. Alam mo yung pakiramdam na pumasa ka sa ganung klaseng subject ng walang awa sa prof kundi dahil nag-aral ka talaga. Highest daw ako? Ewan sabe lang nila pero highest man o hindi tres pa din yung grade. Okey na yun. Ginto na yun e. Hahaha.14 lang kame nakapasa kaya naman sobrang saya pero may side din ng pag-aalala dahil yung hindi nakapasa kaya kukuha pa sila ng exam. After nun umattend kame ng seminar, habang umaattend kame, nagtetext yung iba namin classmate na nagpaptulong. Todo suporta kame kase gusto din namen na makapasa sila. Kahit napapansin na kame na hindi nakikinig pero nakikinig naman kame, tinutulungan lang namin yung classmates namin. So ayun, hanggang dun na lang muna, mahaba na e. Pero thank you Lord, thank you talaga. You never fail me.

Thursday, March 1, 2012

S-T-R-E-S-S!!!!!!!!

Wow! Tagal na palang hindi ako nakakapgpost ditey. Super busy ampota! kulang na kulang yung oras namin/ko. Grabe lang, sumilip lang ako dito. Sinisipon pa ako. Paano ba to? meron pa kameng recitation sa Logic bukas, FALLACIES! shet! sana maintindihan kita! Bahala na si bri saken. Sige na babye na. Kelangan ko na talagang magaral!..

Wednesday, February 22, 2012

PUTOGRAFT

Hello! Wala, paalis ako ngayon. Magpractice daw ng dance. CHA-CHA. Hahaha. Para sa prod namen sa HUMA, for finals. Epic much. haha. Basta..

Bigla kong naisip yung putograpee na naman. Sumasakit ang puso ko kapag naalala ko na wala akong matinong camera. Shit talaga, Hahaha. Tapos naalala ko si Kuya Pabee. Professional putograpeer sa tumblr. si PUTOGRAFT. Hanapin mo na lang. Siya yung parang nainspired ata ako. ewan ko. Hahaha.  Anggaling niya kase, super. Yung mga photowalk tsaka macroshots niya. Amazing! Sana mameet ko siya one time. Sana talaga, dream come true yun. Basta anggaling niya. Haha

O maligo na ako, super late na ako. hahaha. Ingat ingat!

SHIT happens!

teka teka. Note: Mejo harsh na word ang mababasa mo. Mabuti pang wag mong basahin baka magsisi ka. hahaha. Basahin mo na para mamatay ka na. Joke! o eto nangyare saken today.

SHIT! oo, grabeng araw to. E panget talaga. Taenang stat yan, hindi ko matanggap. Math yun, mundo ko yun. Pero bakit mababa ko, napaka careless ko talaga. Shiit! Masakit sa pagkatao, grabe lang. Hindi naman ako bagsak, ambaba lang ampota!!!!! Ayoko na. Pano na yan, pano na kinabukasan ko. HAhaha. OA na. Osiya nawala ako sa mood, may nablitaan akong namatay daw na schoolmate ko nung HS. E kilala ko yun, grabe! Babayoo na nga lang.