This day is EPIC!! Super. E kase hinihintay ko tong araw na to kase para dun sa legend na LOGIC subject na yan. Okey bago ako magkwento, ipapaliwanag ko muna kung bakit matter of life and death kapag LOGIC na ang pinaguusapan sa section namin.
Ang balita sa mga nakaraang panahon at henerasyon, wala pang nakakapasa kay SIR ALBINO AMOGUIS. Meron na siguro pero ang sabe pinakamadami na daw yung lima at ginto daw ang tres na grade.Ang legend pagdating sa Logic. Sa totoo lang masarap siya pag-aralan, ang teknik kase dapat alam mo agad ang basic, ze moods and figures. Para siyang algebra, madaling tingnan pero kumplikado. Magaling siya magturo, super. Wala akong masabe, mahirap lang talaga siya. Hindi ko ma-explain, yung tipong kapag tinuturo niya alam na alam mo na pero kapag nagbigay na siya ng homework nga nga ka. Hahaha. Totoo yan pero hindi sumuko ang iyong lingkod, inaral at inintindi ko siya, at proud ako sa score ko nung finals. Bagsak ako, pero highest daw ako. Anu yun? haha. Basta, proud pa din ako, hindi dahil highest kase alam kong tama yung ginawa ko at ibig sabihin nun nagets ko siya. at ayun nga dahil walang pumasa ng finals exam, kelangan namin magremedial Kapag bumagsak ka na dun, HELLO SUMMER CLASS! hahah
So, Friday! Remedial day. The day before wala na akong gana magreview pero nagbasa lang ako. SO kanina, 0800 ako nagising, nagkape, keme keme lang.bago ako umalis hinaplos ko yung santo dun sa altar namin.
" sa tagal mo ng nakatira dito, ngayong ko lang nakita na hinaplos mo si St. Clare ah" sabe ng ninang
" It's a matter of life and death ho, hahaha"
" tingnan natin ang bisa niyan"
Grabe, desperate ba tawag diyan, di naman. Kelangan ko lang talagang maniwala at alam kong hindi ako nila bibiguin. hahaha
Sa main yung exam. Ibig sabihin walang aircon, ibig sabihin mainit at ibig sabihin hindi nakauniform Haha. So mga 1230 ako nakadating sa school, 1pm pa yung exam. Hindi agad ako dumiretso sa room kase wala pa din yung iba dun. Tapos mga 15 minutes before 1 umakyat na din kame. Nakita ko si Sir at bigla akong kinabahan na parang inlove. Hahaha. Grabe, madame din kameng kasabay na ibang section. Naghintay muna kame ng 15 minutes bago magstart kase wala pa din yung iba.Kumakanta pa akme nung classmate ko ng I wont give up tsaka Never say never. Hahaha. So after 15 minutes, nagsalita si sir, merong mga tinawag na names with our corresponding numbers. Ang alam ko eto yung mga hindi nakapgpapirma ng Regi(stration card). E kaso kasama ako
"number 24, Mendoza"
" Sir (sabay taas ng kamay), number 25 ako"
pero mukang hindi narinig ni sir kaya lumapit ako.
" sir number 25 po ako, mendoza"
"men....doza, oo nga 25"
tapos meron akong nakitang numbers, 1.37 ata. basta ganun. e di umupo na ulit ako at napaisip. Ano kaya yun, tapos biglang sabe ni sir.
" to those who were called, you need not to take the xam"
" ano daw? " sabe ko. Ang pakinig ko kase "you need to take the exam" kaya parang ewan, tapos bigla na silang nagtalunan.
"you may leave". ayan ang huling sabe ni sir.
Lumabas na kameng nagyayakapan at nanginginig sa tuwa pero sabe nung classmate ko, ano daw ba talaga. Baka mamaya kame daw pala yung bagsak kaya tinanong namen kay sir kung ano daw kame, sabe niya pasado na daw. Grabe talaga yung sigaw at tuwa namin. grabe talaga. Super yung saya. Alam mo yung pakiramdam na pumasa ka sa ganung klaseng subject ng walang awa sa prof kundi dahil nag-aral ka talaga. Highest daw ako? Ewan sabe lang nila pero highest man o hindi tres pa din yung grade. Okey na yun. Ginto na yun e. Hahaha.14 lang kame nakapasa kaya naman sobrang saya pero may side din ng pag-aalala dahil yung hindi nakapasa kaya kukuha pa sila ng exam. After nun umattend kame ng seminar, habang umaattend kame, nagtetext yung iba namin classmate na nagpaptulong. Todo suporta kame kase gusto din namen na makapasa sila. Kahit napapansin na kame na hindi nakikinig pero nakikinig naman kame, tinutulungan lang namin yung classmates namin. So ayun, hanggang dun na lang muna, mahaba na e. Pero thank you Lord, thank you talaga. You never fail me.
No comments:
Post a Comment