Tuesday, March 20, 2012
This ain't fair! I feel so selfish.
Bothered! Super! I don't know. E kase naman yung kapatid ko kung hindi nakapasa waitlisted naman siya. Ako yung nasasaktan kase naawa din ako r. Parang ang sakit lang sa pagkatao ko. Hindi ko matanggap kase nagpromise ako na aalagaan ko talaga siya once na makapasa siya dito akso hindi. Kaya hanap na naman ng ibang school, naman kase. Hindi ko matanggap kase mas matalino yun saken. Ay oo na matalino ako. Hahaha. E pake mo, minsan lang magfeeling. Hahaha. Basta yun. Para kaseng feeling ko ang selfish ko. Isinasama ko din naman siya sa dasal ko na sana makapasa siya pero parang ako ata yung pinagbigyan ni Lord na makapasa sa Logic. Masaya naman ako kase nga nakapasa ako pero parang hindi kumpleto. Akala ko okey na pero nung nalaman kong hindi pumasa yung kapatid ko parang nararamdaman ko yung sakit na mararamdaman ng nanay at kapatid ko. Hindi ko agad masabi pero nasabe ko na din naman kaso hindi ko talaga matanggap. Paano na lang yung pangarap namin dalawa na maging engineer, sabe ko kase siya na lang magtuloy sa pangarap ko at gusto na din naman niya yun e. Basta gagawa ako ng paraan para makuha niya yung gusto niya. Hindi pwedeng hayaan ko na lang na ganun yung nangyari. Ako rin yung nahihirapan, ayokong may nasasaktan sa mga kapatid ko e. Kahit alam kong siya din may kasalanan, parang hindi ko kayang nasasaktan siya, hindi pwede. I must have something to do. Lord, kayo na po bahala samin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment