Monday, February 6, 2012

19th birthday!

Don't need make up to cover up,being that you are is enough!

O walang kinalaman yan sa ikukuwento ko, pinapakinggan ko lang siya para inspired ako magtype.
Where should I start? So many effin ideas in my mind. But then here it goes, hindi ko to matatapos kapag hindi ko sinimulan.

JANUARY 29th! Yeah, It was my day, but before it came. Meron akong kaartehan na ginawa. Hindi ako nagparamdam ng mga ilang weeks din, no text to anyone. I hide my birthdate on facebook. I just want to know who can really remember my day. OO maarte ako, pakialam mo ba? hahahah. And then birthday ko na.

Maaga ako nagising, 6am sa St. Clare sa Katipunan. Pagkatapos ng mass, nag-breakfast ako sa McDo. O di ba? Ang emo naman ng araw ko. Actually, I did'nt expect anything on this day. Basta makasimba ako okey na at andito ang pamilya masaya na ako. May ilang bumati nung gabe, yung iba tinatanong kung ngayon daw ba talaga yung birthday ko. Hindi pa mga sigurado pero it's okay. No big deal. at ayun na nga umuwe na ako sa bahay kase by 11am aalis ako at sasamahan yung kapatid ko sa Sintang Paaralan sa PUP. Exam niya kase so ayun ako, ako alng pwede sumama sakanya. Sabe ng nanay ko umuwe daw agad kame kase maghahanda daw siya kahit konti lang. Sabe ko wag na, tama na yung spaghetti na lang. Favorite ko kase. Hahaha. Bianti na din ako ng mga tita at tito ko. By 11 am ayun na nga, pumunta na kame ng PUP. At expected na sobrang dami ng tao, ako yung kinakabahan sa kapatid ko e. hahahaha. Mahal ko akse yung kapatod ko, gusto ko kasama ko siya dito sa Manila e. Ang alam ko 2hrs yung exam nila kaya nagpunta muna ako ng Sm Sta. Mesa para naman malibang libang.

Nang nasa SM na ako, may nakita akong Book Fair. I love books, alam mo yan, kung hindi mo alam e di eto na alam mo na. Sinabe ko na. Siyempre SciFi una kong hinanap pero parang wala akong magustuhanl. Nakita ko yung book na something related to Interior Designing. Iba pakiramdam ko kapag nagbrowse ako ng ganun. nakakarelax! o yeah! Relax! so ayun tingin tingin, biglang nakabitaw yung isa kong kamay, at hala napunit yung book. Hindi ko alam kung may nakakita o wala. Hahah. Ibinalik ko an siya sa shelf. Hahaha. Pumunta na lang ako ng fooodcourt, as usual SHAWARMA my loves ang kinaen ko. wohooo. sarap. Tapos nag-DOODLE. Proud ako sa ginawa ko.

Para mabilis yung kwento, binalikan ko na yung kapatid koa t umuwe na kame. May balak kaming manuod ng sine pero nagtext yung nanay ko, umuwe muna daw ako at magblow ng cake! wow! may cake pa ako! hahahaha. Yihey!

Pag-uwe namin sa bahay, merong cake! 3 greenwich, Pansit Malabon, Spaghetti, Coke and royal. Simpleng handaan pero ang saya din. Ang sarap nung spaghetti. Masaya ako, tapos meron na ding mga bumati galing sa text.

Mga bandang 6:30 pm nagpunta kame sa Robinson Metro East para manuod ng My CACTUS Heart. Masaya pero mababaw lang yung kwento, nakauwe na kame bandang mga 9 na.

Ayun, natapos, naging masaya! Masaya talaga. 19 years of existence and still existing to strive hard and trying to be happy and be myself.

No comments:

Post a Comment