uh yeah this day! Wala lang, di naman perfect pero happy. Hahaha. PAti araw kelangan perfect na din? ewan ko sayo. Hahahah. So it went good. Bakit? teka lang. Wag masyado psyched ah. Kukwento ko na. Hahaha. Ay meron akong bigla naisip na isama sa blog na to. Eto na eto na! wushoo. Boombalooogs! ano daw! hahahah. Mahal kita. Chos! muntanga pati sa blog. Hahaha.
So ayun, maaga ako naligo kase magreviw pa sana ako kase nga may quizz daw pero di din naman nakareview, nanuod lang ako ng Junior Masterchef Australia II. Wag ka favorite ko talaga yan? gusto mo din? Wag na ako na lang. Hahaha. So ayun, di ko din naman natapos kase mga bandang 0740 umalis na ako ng bahay. Nilakad ko lang palabas ng village, wala trip ko lang naman. MAaha pa e. So yun kung ano ano ulit iniisip ko. Hahaha. Pero nakasakay naman ako agad. Sa LRT, wushoooo, nakaupo ako pero juskooo, grabe epic yung amoy nung katabi ko. Alam mo yung amoy ng mga pinapahid na aroma therapy something chuchu. Nahihilo ako ng bongga, hinihintay ko bumaba ng cubao yung matanda pero hindi pala. Grabe na lang , buti meron akong dalang pamaypay. Grabe grabe.
So ayun, nakarating ako sa school, mainit, oo grabe, chika chika tapos dumating si mam. Aba at highblood ata. Grabe yung approach na, parang kung anong may sumabog sa katawan niya at ganun siya kasungit. Buti na lang at nagexam na kame, aba nakaktuwa halos lahat tala nasagutan ko at highest ako. Wahahahahha. Sarap sa feeling, sariling sikap yun! Hahha. Oh yeah! oh yeah! Inggit ka? wag na mag-aral ka lang. hahaha.
At eto nakuha ko na yung mga jelly names ng kapatid ko, naubusan ako ng pera. hahaha. Grabe lang pro ambango talaga nung jelly names. Hahha. Umaamoy sa bag ko talaga. tapos merong somehting Puerto Galera na balak yung classmate ko. Gusto ko sumama, gusto ko sa puerto Galera pero naisip ko uyyyy! butas pala yung bulsa ko. Siyet lang sumakit yung puso ko. Iniisip ko kung uutang ako sa nanay ko, wooh. Baka hindi ako bigyan pero gusto ko talaga pumunta . Serious! totoo! hahaha angkulet!
Hahaha. wala natawa lang ako, mukang wala naman atang maganda kong nakwento. Hahaha. Makitawa ka na lang din parang si budoy. Be happy be budoy! ansabeeee?? ahhahaha. Ossiya bahala ka kung tatawa ka o hindi, buhay mo yan. Hindi ko hawak buhay mo uy. Buhay ko nga di ko mahandle ng maayos, yung sayo pa kaya? Kapalmoks mo ah. Hahah. Joke lang!
No comments:
Post a Comment