Thursday, February 9, 2012

Happy Birthday boiii(tawagan na yan samen sa batangas)!





Yan ang aking kapatid.  Next siya saken so bale second siya samin magkakapatid. Malamang. Hahaha. Birthday niya kase kaya bida siya ngayon dito. Namimiss ko na din to. Minsan ko lang kase makita at makausap kase nasa batangas siya.

Madalas kame magkwentuhan, close kame niyan. Sanggang dikit pero palagi din nag-aasaran. Talo ako niyan sa asaran e. Ewan ko ba diyan taas din kase ng pride. Hahaha. Dami lageng kwento at benta ang mga jokes niyan. Kahit ang inay pala hindi siya keri kase nga mataas ang pride. Ang tatay lang ang nakakapag pasuko jan. Close sila as in sanggang dikit din.

16 years old na siya pero mas matangkad pa saken. Huhuhu. Napagiwanan na ako ng mga kapatid ko sa tangkad. Ako na ata pinakamailiit samen. Wawang donna. Hahaha. Ano pa ba? o sige puro complinet na lang ilalagay ko dito. Hmmm. Magaling ako sa math (wahahaha. nagyabang, sa algebra lang at trigo teh, never ang geo) pero mas magaling siya. Halimaw yan sa math, ewan ko kung saan saang kisame niya nakukuha yung mga sagot. Hahaha. Pero ang sabe nga pag magaling sa math mahina sa English. OO, aminado kame. Hahaha. Pake ko naman, madali lang yun. Hahah. Ano pa ba? Naglalaro din to ng badminto, varsity din siya sa school niya at school ko pala dati yun. Hahaha. E ako din varsity din. Ang hindi niya lang ata tinake e yung CAT namin, kase kung ano pinapasukan ko date ginagaya niya. Hahaha. Joke lang boi. Yun nga, CAT nga lang kase nahihirapan siya dala-dalawa yung asikasuhin. MAhirap yun, naranasan ko na. E siya varsity ang pinili, ako both. Oh bongga na naman ako dun. Hahaha.Astiig tong batang to pero simple lang. Tahimik at seryoso sa una pero pag nakausap mo na nakakabaliw.

Hopefully this coming school year e kasama ko na siya dito. Sa PUP din siya papasok. Civil Engineering. Buti pa siya makukuha niya yung gusto niya, deh joke lang. HIHIHI. Ayun, gwardiyado yan saken pag andito na. Aalagaan ko talaga yan. Di kase sanay yan na napapalayo sa inay at tatay. Prinsesa sa bahay yan pero alam niya mga responsibilidad niya.

MAHAL NA MAHAL KO YAN. DI KO SIYA PWEDENG PABAYAAN, RESPONSIBILIDAD KO SIYA, SILA. WALANG PWEDENG MANAKIT SA KAPATID KONG YAN KUNDI AKO LANG, jke lang. hahaha. WAG NA WAG LANG TALAGA, MAPAPPUTUKAN KO KAYO NG KALIBRE KWARENTAYSINGKO. AHAHAHA. KAYA DON'T DARE!

No comments:

Post a Comment