Sunday, February 12, 2012

" Kaya ko ng palitan si nakaraan para ikaw ang manatili at maging aking kinabukasan"

Well, as of now humihihgop ako ng kape. Madaming nasa isipan ko,hinfi ko alam kung ano ba talaga pero alam ko madami talaga. Masasabi kong pagod ako ngayong maghgapon dahil 2am kami umalis galing Batangas, dumating ng 5am tapos by 7am pumunta ng St. Benilde kase meron ngang family day. Pag-uwe namin mga 2pm na, natulog agad ako kase magsisimba pa ko ng 5;30 sa St. Clare pero hindi ako nagising. Nakakinis lang, nagbalak pa ako pumunta ng Robinson kase di ko maintindihan ang nararamdamn ko, gusto ko alng mgaunwind poro hindi ako natuloy kase umuulan naman. Take note lalabas na lang ako ng gate nun pero hindi natuloy.

So eto na, mukang nasa mood na ako, tinignan ko agad kase yung account niya, bigla na alng ako na-emo. hay nako ewan lang. Biglang may mabigat, pero kung boring ka na magbasa wag mo ng basahin to dahil parang emo ako. hahahahah. sabe ko nga eto yung diary ko, yung totoong mga salita na nararamdaman ko at hindi basta sa isip lamang. Ay napapalayo na yung kwento ko. hahahaha. eto na talaga siya, eto na..

Hmmmm. Ano ba dapat? Mukang sasabog na talaga ako, parang masarap lang ipagsigawan kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Ang hirap lang talaga. Alam mo yung parang kapag sinigaw ko siya ngayon mamatay ako bukas. Anggulo di ba? Magulo talaga, pero ganito talaga ako e. HIndi ko kayang aminin ang nararamdaman ko lalo na kung alam kong malabao. Hindi ako takot masaktan o kung ano pa man. Hindi lang talaga ako yung tipo ng tao na kayang ipagtapat ang nararamdaman, mas pipiliin ko pa kase na mahalin siya ng patago lang, ng ako lang kase hindi namna ako naeexpect ng kahit na ano sa mga bagay na to e. Mas gusto kong hindi nila nalalaman dahil baka magkalayuan at kung ano pang mangyare. Yun ang kinatatakot ko sa lahat. Pagiging casual na nga lang ang pinanghahwakan ko para mapalapit sakanya mawawala pa. Di na uy.  Ayoko na yung mga pangyayaring lalayo ang tao saken dahil lang sa mga walang kwentang nararamdamn na to. e pwede naman siyang pigilin at itago na lang di ba? Palying safe na kung playing safe, mahal ko lang talaga ang komunikasyon sa mga taong nakapaligd sa akin.

O ano? kaya mo pang mag basa o talagang nababaduyan ka? E magtiyaga ka na, buti nga nakita mo tong blog kong to e. Diary ko to kaya hindi ko siya pina-public.

Ang sabe ng friend ko, "Anong balak mo? Wala ka ba talagang balak o move o wareber?"
Ang nasabi ko lang wala talaga, wala. Ang tanging mahalin siya ng palihim ang kaya ko alng gawin. Sabe niya, hulog na hulog na daw ako. And narealized ko na OO nga. Grabeng pagkalugmok to, pero masayang pagkahulo to.
 Naisip ko na minsan na

 " Kaya ko ng palitan si nakaraan para ikaw ang manatili at maging aking kinabukasan"


Oo ganyan na kalala yan. Hindi ko na alam talaga. Sana magkaroon ako ng sign kung ano mang pwedeng mangyari. Minsan lang talaga ako magmahal pero pang matagalan. At sana magawa ko ito ng matagalan.

No comments:

Post a Comment